Note: Para po ito
sa mga taong gulong-gulo bilang tao sa kanilang nararamdaman para sa isang
tao... ( ANG GULO!!! ANO daw??? hahaha!) In short, para sa mga nag-aalangan sa kanilang tunay
na nararamdaman. ACHECHE!!! haha. Try n'yo basahin, baka kayo'y
maliwanagan. =)
Ayos lang naman
kung ibig mo ang
kanyang larawan
Ngunit 'wag mo
naman sanang
gawing
natatanging basehan.
Okay lang din
kung humanga ka
sa kanyang kagalingan
Ngunit 'wag naman
sanang
iyan lang ang
pagtuunan.
Tila'y mabuti rin
na bumilib sa
kanyang karangalan
Ngunit kung sya'y
madapa
'wag naman sanang
talikuran.
Wari'y maganda
rin
kung saludo ka sa
kanyang katalinuhan
Ngunit kung sya'y
magkamali
pagtingin sana'y
'wag babawan.
Mahal mo lang ba
ang isang halaman
dahil ito ay
namumulaklak?
Paano kung ito'y
nalalanta
hahayaan mo lang
bang mawasak?
Kaya mo bang
tanggapin
na ang rosas ay
may tinik?
at maliban sa iyo
ang iba rin ay
may pananabik?
'Wag mo sanang
isipin kung ano lang ang kaakit-akit
Baka nakalimutan
mo, maging rosas ay may pasakit
'Wag naman sanang
mahalin dahil lang sa isang anggulo
Kung nagmamahal
ka ng totoo. tanggipin mo sya ng buo.
No comments:
Post a Comment