Marami ka ngang ginagawa, hindi naman lahat dun, makabuluhan.
Sa tuwing narerecall ko ang buhay ko bilang isang BS Accountancy student, nangangasim ang mukha ko. Siguro dahil medyo bitter pa ako sa experience ko doon. Pero mahal ko naman ang BSA kahit iniwan ko na ang landas na 'yun. Nung lumipat ako sa AB Masscomm, umasa akong magiging madali na ang buhay ko. Mahal na mahal ko ang kurso kong ito. At akala ko, ganon ka smooth ang lahat.
Akala ko talaga. Period.
Nitong semester lamang ay parang binomba ako ng maraming gawain. Pinagsasampal sa mukha ko ng magagaling kong mga major subjects at pati teachers kung gaano kapait maging isang future journalist. Field coverage dito, video shoots dyaan, photowalk dito banda, sulat ng editorial, feature, news at kung anu-ano pa na hindi basta-basta dahil kailangan talaga ng mga researches. At ang common denominator: ALL AT ONCE. Maghahabol ka talaga sa magkasunod-sunod na deadlines.
Hindi naman halatang ako'y nagrereklamo. Nagcocontemplate po lamang. Actually, hindi lang sa akin na-aapply to. Yun bang tipong kinakain ka na ng sariling mong mundo. Alam mo yun? Logically, ikaw naman itong may utak. Ikaw naman ang may buhay at may control, pero mahirap din pala isagi sa kokote natin na may special force din pala aside from us na pwede tayong i-lambast ng biglaan.
Shocking man pero ito ang nangyayari. Kung tinatanong mo ano tong special force, ito po lamang ang mga pinagagagawa natin sa ating mga buhay. Tasks. Works. Duties. Responsibilities. Sabihin mo na lahat ng synonyms yan, iisa parin category nila: MGA GAWAIN.
Wala naman sigurong problema sa mga gawain. Pero kung iisipin mo ng malaliman, alin o ilan ba doon sa mga ginagawa mo ang may kabuluhan sa'yo?
Eto ang tempting. Akala natin, kung saan tayo masaya , iyon ang makabuluhan. Pero sa tingin ko, hindi sa lahat ng oras ganoon. Isipin mo sa tuwing nagpaparty-party ka, masaya ka. Ang laki ng smile mo habang sa ibang anggulo, nasa kanto ang iyong magulang sabay taas ng kilay. Lagot ka ngayon. Parehong senaryo ang nasaksihan niyong dalawa: ang party. Ikaw na nagpaparty, masaya. Pero ang magulang mo, galit. Bakit kaya? Kasi para sa kanya, hindi makubuluhan ang ginagawa mo.
Eh ano ang point? Ang issue dito ay hindi lamang ang kubuluhan ng isang bagay. Sa kadami-dami ng mga pinagagagawa natin sa buong buhay natin, conscious ba tayo kung makabuluhan ang mga ito? Eh ano pala ang "makabuluhan" ? Sorry, di ko agad naexplain. Driven lang masyado.
MAKABULUHAN. 'Yun bang may pakinabang sya sa prinsipyo mo sa buhay.
I really don't know kung paano niyo yan maiinterpret pero parang ganito:
Tulad ko ngayon. Masyadong busy, kaka-comply sa academic demands na halos sya nalang sentro ng attention ko. Tapos, eto pa, pilit ko sinasabi sa sarili na okay lang kasi masaya naman ako sa ginagawa ko. Masaya nga naman talaga ako. Pero hindi ko parin magawang iset aside na hindi lahat nun ay makabuluhan para sa akin.
For many circumstances na masyado tayong consumed sa iisang bagay, gaya ko na isang estudyanteng consumed sa academic life, nagkakaroon lamang ng kahulugan ang buhay ko sa iskolarling pag-aaral. Pero sa labas ng paaralan, bulag na ako sa pagkilala sa kagandahan ng simpleng bagay.
Masasabi kong ang ganitong sitwasyon ay hindi healthy para sa kaluluwa ng isang tao. Dahil kapag sinabing makabuluhan, yun ay kung lalabas ka mula sa routine na iyong nakagisnan upang maghanap at mangilatis ng bago.
Aba, sa kumplikadong mundo, lahat ay bago. Tao lang yata ang hindi marunong magdiskubre. In short, sa tuwing may natutuklasan tayong "wonders" at "mysteries" sa ating buhay, nagiging makabuluhan iyon. Sa kadami-dami ba namang aspeto ng buhay, hindi ko parin maintindihan kung bakit dito ako lubog sa pag-aaral.
Note, iba ang "nag-aaral" sa "natututo". Ang point ko lang naman dito ay kung gusto mo ng makabuluhan na gawain, aba'y dapat ka muna magkaroon ng courage na gumawa ng mga bagay na hindi laging pabalik-balik. Remember, na walang bagay na inuulit-ulit ang hindi pinagsasawaan. Kung lagi ka lang focus sa ganyang anggulo, ang matututunan mo lang din sa buhay ay ang mga shades sa ilalim na nasabing perspektib.
Paano ka uunlad ngayon? Hindi ko naman sinasabing mawalan ka ng focus, ang sabi ko lang, huwag mo balewalain ang kayamanan ng riyalidad sa paligid mo. Sayang din kaya?
Kaya kung ako sa'yo, 'wag ka matulad sa akin na minsang nagpakain sa mundo ng pag-aaral.
Mag-enjoy ka, magparty. Tingnan mo ang buwan, batiin mo ang pusa sa kalye. But at the same time, focused ka parin sa sarili mong goal.
Simple lang ang buhay, tao lang talaga ang kumplikado.
Breath in, breath out Avon. I can feel you. :(
ReplyDelete