Wednesday, April 25, 2012

ONCE UPON A TIME: BAGO MAG-TIME



Note:  Para po ito sa mga estudyanteng katulad ko na minsan sa buhay ay nakaranas na ring pumasok sa klase hindi upang makinig at matuto kundi para magpalipas lamang ng oras ( kaysa naman umabsent). Sa ganyang intensyon, marahil isa sa mga sitwasyon sa ibaba ay nasubukan niyo na rin. Ngunit sigurado ako, iisa lang din ang napala natin: nalugi tayo sa mga hiyas na kaalaman na pinalampas mismo ng ating sarili !



30 minutes before mag-time,
Mix-mix ang ginagawa like prime na prime
May routines na parang loner lang ang drama
Sabay kalokohan with mga kakosa

For example, gawa ka ng doodle art
Or you imagine nalang ika’y nagdadart
30 minutes before the time nagvavandal in your chair
Kahit punishable by dismissal, the hell you care!

Still it feels na ika’y bored na bored
Pakishout out naman “sana uwian na lord!”
If hindi na maka-wait, chitchat muna with cute seatmate
Share-share with your interests, yun pala makikipagdate

Kung hindi pa you satisfied, look ka nalang around
Kunin mo your Ipod, saka pahinaan ang sound
Sabay critic sa outfit ng classmate mong great pretender
Na pinapasok ng guard de  uniporme like of bartender

Dahil ‘di mo na ma-dare ang  pagiging forever alone
Kahit bawal sa klase,  io-on mo ang phone
Text-text with your close friend na nasa next row
Asking anong color combination ang  ginamit nya for eyeshadow

Lumipas ang hinihingal na oras, 30 minutes before the time
You are gone na from your assigned seatplan
Magchichismims sa showbiz issues ng kasalukuyan
Will tell who’s your crush sa room, saka sabay tititigan

Frequently asked question, nakawatch ka ng PBB?
Oral recitation ni ma’am, bigla kang mapipipi
Class lesson ngayon pero ang tapik ay dota
Find your partner ang peg, didiskarte ang partida

30 minutes before the time, siningit ang hallucinations
Magdedaydream kay crush, ang wagas na inspiration
If may extra load you, magmomobile internet
Touch pad, iphone, labas lahat ng gadget!

Iisipin mo na how’s your facebook notifications
Ichi-change ng friend mo ang tapik, mga bading daw ang one direction
Maya-maya may magpapafollow sa twitter
You will write your email add sabay kagat sa snickers

Eh kasi naman you are done eating na
Ang next destination, sa c.r. ang punta
Gagamitin ang char-char na sign language na mali naman
Gets pa rin ng parts mo kaya sabay kayong nagsilabasan

In the mean time, ang seatmate mong weirdo
Found a friend sa liwanag, naaliw sa shadow
Si prof na todo explain, bulky charts ay hinilera sa pisara
Itong seatmate mo naman, nagshadow art ala el gamma penumbra

When you saw your reflections sa salamin ng bintana
Congrats! Good for you, nareaize mong ikaw pala’y swabeng bata
                So you exposed your DSLR at nagtake ng vanity pics
Assuming na kahit sa piktyur mo lang may mainlab na chiks

30 minutes before the time, you’re like OFW na kaytagal nakabalik
Kung maka restroom ay wagas, kahit reasons mo ay fake
Go back to reality, kamusta ang online games?
Ang powers, ang characers, ang magic, ang flames?

‘Di pa you nakontento, nagshare ka pa ng knowledge
Pornsites na peborit ever since your tender age
Hininga ay amoy the bar, nalalanghap ng ‘yong kausap
Inosenteng ballpen imagined like legs, kinagat ng walang kahirap-hirap

Aba, it’s not just your bibig ang napakalikot
Tinker tinker with the beat of your fingers, ulong paikot-ikot
Daig mo pa ang volume ng lapel ni ma’am
Hampas ng palm mo on the table, feel na feel mong magdrum!

Si ma’am the best, walang bukas kung maglecture
Ang nakaupo sa front row, pasipsip para secure
Ang anticipation niya’y you are listening, ikaw pala’y tulala lang
And less than a minute, wow tulog na si manang!

Finally time na, suddenly nag-announce si teacher
Bukas you will have a long quiz na pagkaover-over
About the leksyon na natackle 30 minutes before the time
And bigla mong narealize para kang na-wansapanataym! :P

No comments:

Post a Comment