Isang malugod na pagbati sa iyo kung sino ka mang
nilikha ka!!!
( ???? Ang pangit naman ng greetings. haha)
**take two**
Isang malugod na pagbati sa iyo kapatid! ^__________^
KAMUSTA ANG GOAL NATIN ? :D
( krooo... kroooo... )
Inuulit ko ang tanong, "KAMUSTA ANG GOAL
NATIN?" :D
(sagot!! Kung ayaw mong masaktan!! CHAR. JOKE LANG. xD
)
Let me guess, hindi mo agad nasagutan, ano? Or kung
nasagutan mo man, mabuti 'yan. Ipagpatuloy mo lang. But if you are not able to
answer it with surenessity and clarity, MAY PROBLEMA KA, KAPATID.
tsk..tsk..tsk..
Don't worry. Hindi ko naman sinasabing may problema ka
sa pag-iisip. Pero sabihin nating ganun na rin. ( ??? ang gulo? haha). Ang
problema mo ay tulad rin ng problema ng bilyun-bilyong tao sa mundo. Alam mo ba kung ano 'yun? Hindi mo alam?
Pwes, alamin mo! (hahaha..)
Because I want to help you ( and as a way of helping
myself na rin.hehehe), sabayan mo'kong magreflect. :3
Simulan natin sa sarili kapatid. Matanong kita :
"DO YOU KNOW WHERE YOU'RE GOING TO?"
( I suggest, pakinggan mo muna ang kanta sa ibaba :))
)
****************L I N K ******
I bet you have come up to that point. Saan ka ba
talaga patungo? Saan ang punta mo? Sa puso ko? ( deh, joke lang. hahaha) .
Have you ever asked yourself kung bakit hindi mo agad
nasagutan ang tanong ko kanina? ( I hope so, you did) 'Yun ay dahil may
kailangan ka pang linawin sa sarili mo: "ANO PALA ANG GOAL KO?" ( may
goal ka ba? Parang wala naman ah? haha)
Dear, kung nagtataka ka kung saan ang patutunguhan ng
buhay mo, aba'y sinasabi ko sa'yo na hindi dapat iyan ang ipinagtataka mo.
Bakit? Before you ask yourself where are you going,
ask yourself first WHERE DO YOU WANT TO GO? What do you want to do? Who do you
want to be?
"GOAL."
Pre, I tell you, kung nagrereklamo ka sa buhay mo
ngayon, magreklamo ka sa sarili mo.
Marami akong kilalang mga kabataan na may mataas na
potensyal sa iba't ibang larangan ngunit hindi ko ever magets kung bakit hindi
sila nageexcel. Marahil ngayon, unti-unti ko nang nalalaman kung bakit at sana
nga tama 'tong iniisip ko.
Ang problemang tinutukoy ko ay ito: May mga taong
HINDI GOAL-ORIENTED.
May isa pa akong problema. Isang tanong na sa tingin
ko ikaw lang ang makakasagot. ISA KA BA SA KANILA?
*****
Kung ano ang sitwasyon mo ngayon, kung saan ka ngayon,
kung sino ka ngayon, at kung ano ang
estado ng buhay mo ngayon, 'wag mo gawing dahilan si Destiny. Naman oh?? Si
Destiny? Si Destiny na walang malay??
Ikaw ngayon ang ikaw. Ang buhay mo ngayon ang sumasalamin kung anong
klaseng goal mayroon ka. Or ang mas worse, kung mayroon ka bang goal o wala.
Baka naman wala? I hope meron. Meron naman talaga 'yan
kahit papano. Gusto mo sampol?
Okay. Halimbawa, goal mo ngayon na maka-kill ng
maraming heroes sa Dota, maka-date at maka-flirt ang babaeng o lalakeng kanina
mo lang nakilala, makapangalap ng pasaload, maglakwatsa, magtambay wholeday,
mag-online games buong araw, at kung anu-ano pa. Tama ba?
Bilib rin ako sa mga goal ng kabataan ngayon. Pero may
sad news ako. I-rate mo nga yang mga "goal" na yan.
I bet, masyadong 'MABABAW'. ( ouch! dota?
girlfriend? pasaload? lakwatsa?
tambay?internet? <----- anong sabi? mababaw daw 'to???? Oh c'mon!! ).
OO. Tanga ka kung
hindi mo pa ma-realize.
Actually, hindi
yan goal. Mga luho mo lang 'yan. Kapag sinabing "goal" , maaring
short-term o long-term . Pwede mong ma-achieve sa matagalan o madalian.
GOAL is supposed to be something you believe that is worth
to be acheived. In the same way that you believe you can.
When you say "worth to be achieved" ,
ikonsider mo na 'yan ang goal mo dahil alam mong kaya mong abutin ito at
anumang mangyari , aabutin at aabutin mo pa rin. GOAL is supposed to transform
and stretch your character for the better in the process and even before
realizing it. ( nosebleed ba? Hindi naman siguro).
Sa madaling salita, kapag ang tao ay may GOAL, tiyak ,
alam niya ang kanyang patutunguhan. Ngunit ang masaklap ay kung anong uri ng
goal mayroon ka. Gaya ng sinabi ko kanina, kung ano ka ngayon ay sinasalamin ng
goal na pinanghahawakan mo.
Sampol, may kakilala ako na ang goal nya daw ay
makapag-aral. No wonder, nakapag-aral nga sya. Pagkatapos? Wala na. Tapos na
ang storya. 'Yun lang din ang nagawa niya sa buhay niya. Nakapag-aral nga siya,
hindi naman sya nakapagtapos. See?
O, eto pa. Ilevel up natin konti. Kunyari, goal mo ang
makapagtapos ng pag-aaral. Sabihin nating grumadweyt ka nga fortunately, oh
tapos? Yun lang? Kontento ka na sa diploma mo ??
Friend, pwede mo naman i-adjust ang goal mo anytime
eh. I beg you not to settle for something less. Hindi ko sinasabing maging
ambisyosa ka. Hindi ko rin sinasabing maging mapagmataas ka. No. What I am
trying to say is that, you should always set your mind that you deserve better.
That is why, if you want a better life, think of something better, do better
and you will feel better by the time comes. SET YOUR GOAL.
Mamaya mo na intindihin kung paano ka makakapagfocus
kasi naman ang issue dito ay wala ka pa ngang focus. Ano bang focus mo? Ano
bang goal mo?
To my mind, minsan naiinggit ako sa mga taong may
matataas na halaga sa lipunan ( let's say isang pulitiko, doktor, abugado,
accountant, volunteer, teacher, aktibista, artista, etc.) Naiinggit ako hindi
sa kapangyarihan nila kundi sa na-achieve nilang self-actualization. I bet, may
kinaiingitan ka rin gaya ng mga taong aking nabanggit. Aba'y pre, dapat lang.
Dapat ka lang talaga mainggit!
At one point, 'wag na 'wag ka agad makahusga sa mga
taong iyan. Wala kang karapatan magsabi sa harap man o sa likod nila , na kaya
sila andyan sa kinatatayuan nila ngayon ay dahil sa sila ay may pera, o kaya
naman sila ay sinwerte lamang. Excuse me, kahit pa siguro hainan ka ng tinapay,
kung wala ka namang planong kainin ito, aba'y hindi ka talaga mabubusog.
Ganyan din sa konsepto ng goal. Naisin mo muna ang
isang bagay. Kapag may goal kana, saka na susunod ang mga opportunities. Kung
ikaw ay isang kabataang Pilipino, I expect that you have your GOAL. Huwag mo
sabihin na gusto mo lang makapag-aral at makapagtapos. Kung may trabaho kana at
magkapamilya, 'wag mo sabihing gusto mo lang sila bigyan ng magandang buhay.
Lumevel up ka as soon as possible, if possible.
Ang isang wagas na GOAL, ay isang goal na hindi lang
ikaw ang maaring makaabot. O kaya naman kung maabot mo na ito, ang GOAL parin
na iyon ay mananatili sa iyo upang matulungan ang iba.
Medyo nakakalito ang point ko na ito, pero simple lang
ang gusto ko marealize mo bilang isang kabataang Pilipino. SET A GOAL FOR
YOURSELF AND FOR YOUR COUNTRY. 'Wag ka basta lang mangarap para sa sarili,
isama mo ang bayan mo.
Inuulit ko, SET YOUR GOAL. Alamin mo kung ano ang
gusto mo na makabubuti sa iyong sarili at sa bayan. Huwag mo tanggapin ang kasinungalingan mula sa pagkakamali, na
ipagpalagay nating dahil ikaw ay isang hamak lamang, wala ka nang maibubuga.
Maling mentalidad iyan.
Gumamit tayo ng metapora. Dahil ba kung nasa loob ka
ng bahay, ang gusto mo lang abutin ay ang inyong kisame dahil yun lang ang
nakikita mong mas nakakataas sa iyo? Ngayon sinasabi ko, lumabas ka ng bahay
niyo at makikita mo na mas may mataas pa kaysa sa inyong kisame. Pangarapin
mong abutin ang langit. Magfocus ka sa langit. Atleast, alam mo at aware ka na
sa langit ang iyong punta. Kaya kung may magsasabi sa'yo " Hoy!
tanga,halika punta tayo sa ilog!" ay hindi ka agad mababaling sapagkat
saksi ka mismo sa iyong sarili na sa langit ang iyong punta at hindi sa ilog.
In short, may direksyon na ngayon ang buhay mo. Ganoon kaimportante ang GOAL.
Mind this,
kapag lahat ng Pilipino ay goal-oriented, may malinaw na daan para sa bawa't
isa, sa bawat pamamahay at sa bawat komunidad. Once we've come up to one goal,
uunlad ang Pilipinas. ( kung makapagsalita lang, parang ganun kadali? hahaha.)
This is not an idea to make the challenge easier, but this is to make stronger
the people who took the challenge. Sa kahuli-hulihan, Filipinos are being
challenged. But gaya ng sinabi ko, magset ka muna ng GOAL mo.
Kung ibabalik mo sa akin ang tanong , "Kamusta
naman ang goal natin?"
Proud akong ayos na ayos at achieve na achieve ang
goal ko ngayon! ^______^ Dahil binasa mo itong blogpost na ito at sa tingin ko,
naimpluwensyahan kita ng kahit bahagya bilang isang mambabasa. You are
challenged to set your goals. At 'yun ang goal ko ngayon, na iparealize sa iyo
ang nasabing necessity. "GOAL" :D
Where there is GOAL, there is LIFE. :))) Good day!
Goal day! Everyday! :-)
(By the way, hindi po ako Guidance Counselor. HAHAHA.)
Salamat sa pagbabasa. :D
No comments:
Post a Comment