Friday, June 15, 2012

'WAG NAMAN SANA


Note: Para po ito sa mga taong gulong-gulo bilang tao sa kanilang nararamdaman para sa isang tao... ( ANG GULO!!! ANO daw??? hahaha!) In short, para sa mga nag-aalangan sa kanilang tunay na nararamdaman. ACHECHE!!! haha. Try n'yo basahin, baka kayo'y maliwanagan. =)


Ayos lang naman
kung ibig mo ang kanyang larawan
Ngunit 'wag mo naman sanang
gawing natatanging basehan.

Okay lang din
kung humanga ka sa kanyang kagalingan
Ngunit 'wag naman sanang
iyan lang ang pagtuunan.

Tila'y mabuti rin
na bumilib sa kanyang karangalan
Ngunit kung sya'y madapa
'wag naman sanang talikuran.

Wari'y maganda rin
kung saludo ka sa kanyang katalinuhan
Ngunit kung sya'y magkamali
pagtingin sana'y 'wag babawan.

Mahal mo lang ba ang isang halaman
dahil ito ay namumulaklak?
Paano kung ito'y nalalanta
hahayaan mo lang bang mawasak?

Kaya mo bang tanggapin
na ang rosas ay may tinik?
at maliban sa iyo
ang iba rin ay may pananabik?

'Wag mo sanang isipin kung ano lang ang kaakit-akit
Baka nakalimutan mo, maging rosas ay may  pasakit
'Wag naman sanang mahalin dahil lang sa isang anggulo
Kung nagmamahal ka ng totoo. tanggipin mo sya ng buo. 

ANG PANGUTANA


Note: “musta?”, “saan ka ngayon?”, “ano ginagawa mo?”, “sino kasama mo?”, ßwala ba ka napul-an og tubag aning mga nagbalik-balik na pangutana? Basi gusto kag level-up nga mga questions..???
 hala, try ni basaha basi makarealize ka  ! :D )

Na-immune na siguro ka
Sa mga ing-aning klaseng pangutana :
"Oy! Parts, kamusta na?"
Sayon ra tubagon, tama ba?

Busa tug-anan taka , unsay nindot ipangutana
Ayaw sige'g pangamusta, daan na kaayo nang istayla
Naa koy ihangyo, na mas maanindot
Ang pangutanang lisod-lisod, pero makahimoot.

Produktibo ka ba karong adlawa?
Nakabuhat ka ba’g maayo, maski wa ka sugua?
Ay' sige'g ngisi-ngisi diha, basi unya ikaw mapalpak
Nahuman nalang ang adlaw, sige gihapon ka'g panlibak?

Aduna ka bay napalipay karong taknaa?
Kung imo rang kaugalingon,  ayaw nalang ko tubaga
Pila pod kaha ang nakaambit sa imong mga grasya?
Panghatag pod oy, ayaw pod soloha.

Nagtinagdanay na ba kamo sa imong kaaway?
Og wa pa, kanus-a man mo magpinasayloay?
Og gwapo gani or gwapa, dali ra kaayo maka-hi
Kung none of the above, deretso ra’g labay.

Nakapanghinlo na ba ka, ibutang ta’g lapok imong nahikap?
Ayaw tawun pag-inarte, basi gani kwarto mo damak?
Og  naunsa, sige man kaha ka og reklamo?
Kay ngano, maski dyutay, aduna ka bay gisakripisyo?

Busa  di jud ko mangutana kung kamusta na ba ka
Kay ang gusto ko mahibaw-an, produktibo ba ka ‘rong adlawa?
Kay kung ako muingo'g “kamusta”, dali ra ka katubag
Pero gani kung produktibo ba, ang huna-huna mo daw saag!

Pangutan-on ko ikaw pag-usab, produktibo ba imong adlaw?
Pagtrabaho, ayaw sige'g tambay, ayaw sige'g latagaw
Sayang ang oras nga sige raka'g tanga,
Wa jud tawon kay maginansya kung permi ra ka gaduka.

Kung ikaw nakonsensya, wa ko intawun tuyua
Pero ugaling man nahinayak, ay dah! Pasensya
Aduna ka bay asenso? Mao na ang pangutana
Lihok! Pagmata! Ang hagit, tubaga!

Sunday, June 3, 2012

THE BLIND




I know you.
You are the well-informed of the least information.
Like the wargames you play without the knowledge
If your own land is being threatened.
I was right, it was you with the book
Well-versed in the language of nudity, submerged
 In the grammar of rudeness without the knowledge
Of what even a simple law of your own land would mean.

Yes, you are with those artificial symmetry
Like the cosmetics brought to you by the foreign
Conceals what is natural, you are submissive,
And enjoy your own lust, without the knowledge
Over your body you are held captive of the other land.
Way back when you dwell in the online world
Of what is socially connected, updated without the knowledge
On how's your land in relation to the other.

I figure out, it was you
As you hold your gadgets every minute
Overwhelmed in its features without the knowledge
What lies beautifully in your own country.
Then go to the bar for a celebration,
became geniuses, name all the beverage
Like the master of drinking without the knowledge
Of how many in your land is thirsty of justice.

I know you.
The youth that assumes a cardinal of your own immaturity
And dare to push your career
With your own selfish concerns
Clutched as witnesses
Exclusive of your individual stories
But the well-informed of the least information
Shame! For you are ignorants, nobody but you
Is the BLIND of what's happening in your own nation!!


Naiinis ako sa mga taong walang pakialam sa sarili nilang bansa. Lalo na sa mga kabataang ang inaatupag lamang ay ang maglaro, makipag-“ibigan”, magpaganda, at kung anu-ano pang mga luho.  Tapos kung tatanungin mo sa isang bagay na may kaugnayan sa kondisyon ng Pilipinas nating mahal, ay walang masagot; kahit pa opinyon man lang ay wala. Hindi ko naman sinasabing tutukan niyo ng maigi ang bayan. Mahirap rin ‘yun. Ang sinasabi ko, atleast man lang, makialam kayo. Yun bang may SENSE OF CIVIC AWARENESS ? o para simple, sige, AWARENESS.
I believe, to be AWARE is not a choice. It is an obligation. A holistic obligation, a national obligation for the YOUTH.
Inuulit ko, SENSE OF AWARENESS.  Pagsikapan mong magkaroon ka niyan.

READY, GET SET GOAL !



Isang malugod na pagbati sa iyo kung sino ka mang nilikha ka!!!
( ???? Ang pangit naman ng greetings. haha)
**take two**
Isang malugod na pagbati sa iyo kapatid! ^__________^
KAMUSTA ANG GOAL NATIN ? :D
( krooo... kroooo... )
Inuulit ko ang tanong, "KAMUSTA ANG GOAL NATIN?" :D
(sagot!! Kung ayaw mong masaktan!! CHAR. JOKE LANG. xD )
Let me guess, hindi mo agad nasagutan, ano? Or kung nasagutan mo man, mabuti 'yan. Ipagpatuloy mo lang. But if you are not able to answer it with surenessity and clarity, MAY PROBLEMA KA, KAPATID.
tsk..tsk..tsk..
Don't worry. Hindi ko naman sinasabing may problema ka sa pag-iisip. Pero sabihin nating ganun na rin. ( ??? ang gulo? haha). Ang problema mo ay tulad rin ng problema ng bilyun-bilyong tao sa mundo.  Alam mo ba kung ano 'yun? Hindi mo alam? Pwes, alamin mo! (hahaha..)
Because I want to help you ( and as a way of helping myself na rin.hehehe), sabayan mo'kong magreflect. :3
Simulan natin sa sarili kapatid. Matanong kita : "DO YOU KNOW WHERE YOU'RE GOING TO?"
( I suggest, pakinggan mo muna ang kanta sa ibaba :)) )
****************L I N K ******
I bet you have come up to that point. Saan ka ba talaga patungo? Saan ang punta mo? Sa puso ko? ( deh, joke lang. hahaha) .
Have you ever asked yourself kung bakit hindi mo agad nasagutan ang tanong ko kanina? ( I hope so, you did) 'Yun ay dahil may kailangan ka pang linawin sa sarili mo: "ANO PALA ANG GOAL KO?" ( may goal ka ba? Parang wala naman ah? haha)
Dear, kung nagtataka ka kung saan ang patutunguhan ng buhay mo, aba'y sinasabi ko sa'yo na hindi dapat iyan ang ipinagtataka mo.
Bakit? Before you ask yourself where are you going, ask yourself first WHERE DO YOU WANT TO GO? What do you want to do? Who do you want to be?
"GOAL."
Pre, I tell you, kung nagrereklamo ka sa buhay mo ngayon, magreklamo ka sa sarili mo.
Marami akong kilalang mga kabataan na may mataas na potensyal sa iba't ibang larangan ngunit hindi ko ever magets kung bakit hindi sila nageexcel. Marahil ngayon, unti-unti ko nang nalalaman kung bakit at sana nga tama 'tong iniisip ko.
Ang problemang tinutukoy ko ay ito: May mga taong HINDI GOAL-ORIENTED.
May isa pa akong problema. Isang tanong na sa tingin ko ikaw lang ang makakasagot. ISA KA BA SA KANILA?
*****
Kung ano ang sitwasyon mo ngayon, kung saan ka ngayon, kung sino ka  ngayon, at kung ano ang estado ng buhay mo ngayon, 'wag mo gawing dahilan si Destiny. Naman oh?? Si Destiny? Si Destiny na walang malay??
Ikaw ngayon ang ikaw. Ang buhay mo ngayon ang sumasalamin kung anong klaseng goal mayroon ka. Or ang mas worse, kung mayroon ka bang goal o wala.
Baka naman wala? I hope meron. Meron naman talaga 'yan kahit papano. Gusto mo sampol?
Okay. Halimbawa, goal mo ngayon na maka-kill ng maraming heroes sa Dota, maka-date at maka-flirt ang babaeng o lalakeng kanina mo lang nakilala, makapangalap ng pasaload, maglakwatsa, magtambay wholeday, mag-online games buong araw, at kung anu-ano pa. Tama ba?
Bilib rin ako sa mga goal ng kabataan ngayon. Pero may sad news ako. I-rate mo nga yang mga "goal" na yan.
 I bet, masyadong 'MABABAW'. ( ouch!  dota? girlfriend? pasaload? lakwatsa?  tambay?internet? <----- anong sabi? mababaw daw 'to???? Oh c'mon!! ).
OO. Tanga ka kung hindi mo pa ma-realize.
 Actually, hindi yan goal. Mga luho mo lang 'yan. Kapag sinabing "goal" , maaring short-term o long-term . Pwede mong ma-achieve sa matagalan o madalian.
GOAL is supposed to be something you believe that is worth to be acheived. In the same way that you believe you can.
When you say "worth to be achieved" , ikonsider mo na 'yan ang goal mo dahil alam mong kaya mong abutin ito at anumang mangyari , aabutin at aabutin mo pa rin. GOAL is supposed to transform and stretch your character for the better in the process and even before realizing it. ( nosebleed ba? Hindi naman siguro).
Sa madaling salita, kapag ang tao ay may GOAL, tiyak , alam niya ang kanyang patutunguhan. Ngunit ang masaklap ay kung anong uri ng goal mayroon ka. Gaya ng sinabi ko kanina, kung ano ka ngayon ay sinasalamin ng goal na pinanghahawakan mo.
Sampol, may kakilala ako na ang goal nya daw ay makapag-aral. No wonder, nakapag-aral nga sya. Pagkatapos? Wala na. Tapos na ang storya. 'Yun lang din ang nagawa niya sa buhay niya. Nakapag-aral nga siya, hindi naman sya nakapagtapos. See?
O, eto pa. Ilevel up natin konti. Kunyari, goal mo ang makapagtapos ng pag-aaral. Sabihin nating grumadweyt ka nga fortunately, oh tapos? Yun lang? Kontento ka na sa diploma mo ??
Friend, pwede mo naman i-adjust ang goal mo anytime eh. I beg you not to settle for something less. Hindi ko sinasabing maging ambisyosa ka. Hindi ko rin sinasabing maging mapagmataas ka. No. What I am trying to say is that, you should always set your mind that you deserve better. That is why, if you want a better life, think of something better, do better and you will feel better by the time comes. SET YOUR GOAL.
Mamaya mo na intindihin kung paano ka makakapagfocus kasi naman ang issue dito ay wala ka pa ngang focus. Ano bang focus mo? Ano bang goal mo?
To my mind, minsan naiinggit ako sa mga taong may matataas na halaga sa lipunan ( let's say isang pulitiko, doktor, abugado, accountant, volunteer, teacher, aktibista, artista, etc.) Naiinggit ako hindi sa kapangyarihan nila kundi sa na-achieve nilang self-actualization. I bet, may kinaiingitan ka rin gaya ng mga taong aking nabanggit. Aba'y pre, dapat lang. Dapat ka lang talaga mainggit!

At one point, 'wag na 'wag ka agad makahusga sa mga taong iyan. Wala kang karapatan magsabi sa harap man o sa likod nila , na kaya sila andyan sa kinatatayuan nila ngayon ay dahil sa sila ay may pera, o kaya naman sila ay sinwerte lamang. Excuse me, kahit pa siguro hainan ka ng tinapay, kung wala ka namang planong kainin ito, aba'y hindi ka talaga mabubusog.
Ganyan din sa konsepto ng goal. Naisin mo muna ang isang bagay. Kapag may goal kana, saka na susunod ang mga opportunities. Kung ikaw ay isang kabataang Pilipino, I expect that you have your GOAL. Huwag mo sabihin na gusto mo lang makapag-aral at makapagtapos. Kung may trabaho kana at magkapamilya, 'wag mo sabihing gusto mo lang sila bigyan ng magandang buhay. Lumevel up ka as soon as possible, if possible.
Ang isang wagas na GOAL, ay isang goal na hindi lang ikaw ang maaring makaabot. O kaya naman kung maabot mo na ito, ang GOAL parin na iyon ay mananatili sa iyo upang matulungan ang iba.
Medyo nakakalito ang point ko na ito, pero simple lang ang gusto ko marealize mo bilang isang kabataang Pilipino. SET A GOAL FOR YOURSELF AND FOR YOUR COUNTRY. 'Wag ka basta lang mangarap para sa sarili, isama mo ang bayan mo.
Inuulit ko, SET YOUR GOAL. Alamin mo kung ano ang gusto mo na makabubuti sa iyong sarili at sa bayan. Huwag mo tanggapin ang  kasinungalingan mula sa pagkakamali, na ipagpalagay nating dahil ikaw ay isang hamak lamang, wala ka nang maibubuga. Maling mentalidad iyan.
Gumamit tayo ng metapora. Dahil ba kung nasa loob ka ng bahay, ang gusto mo lang abutin ay ang inyong kisame dahil yun lang ang nakikita mong mas nakakataas sa iyo? Ngayon sinasabi ko, lumabas ka ng bahay niyo at makikita mo na mas may mataas pa kaysa sa inyong kisame. Pangarapin mong abutin ang langit. Magfocus ka sa langit. Atleast, alam mo at aware ka na sa langit ang iyong punta. Kaya kung may magsasabi sa'yo " Hoy! tanga,halika punta tayo sa ilog!" ay hindi ka agad mababaling sapagkat saksi ka mismo sa iyong sarili na sa langit ang iyong punta at hindi sa ilog. In short, may direksyon na ngayon ang buhay mo. Ganoon kaimportante ang GOAL.
 Mind this, kapag lahat ng Pilipino ay goal-oriented, may malinaw na daan para sa bawa't isa, sa bawat pamamahay at sa bawat komunidad. Once we've come up to one goal, uunlad ang Pilipinas. ( kung makapagsalita lang, parang ganun kadali? hahaha.) This is not an idea to make the challenge easier, but this is to make stronger the people who took the challenge. Sa kahuli-hulihan, Filipinos are being challenged. But gaya ng sinabi ko, magset ka muna ng GOAL mo.
Kung ibabalik mo sa akin ang tanong , "Kamusta naman ang goal natin?"
Proud akong ayos na ayos at achieve na achieve ang goal ko ngayon! ^______^ Dahil binasa mo itong blogpost na ito at sa tingin ko, naimpluwensyahan kita ng kahit bahagya bilang isang mambabasa. You are challenged to set your goals. At 'yun ang goal ko ngayon, na iparealize sa iyo ang nasabing necessity. "GOAL" :D
Where there is GOAL, there is LIFE. :))) Good day! Goal day! Everyday! :-)
(By the way, hindi po ako Guidance Counselor. HAHAHA.) Salamat sa pagbabasa. :D



MULING PAG-UUSAP


  
Dalawampung taon ang nakaraan
Dalawampung minutong binalikan
Waiter! Waiter! Paorder ng carbonara
"Boy! Boy! Tingnan mo aking saranggola!"

Yes, sir? Isang serve lang po ba?
Teka, teka, namumukhaan kita!
Boy! Boy! Ikaw ba iyan?
Kaylaki ng iyong asenso mula ng ating kabataan!

Oo nga't ako ito, sino ka na nga?
Ramdam ko'y may ala-ala tayo ng pagkabata!
Ngunit 'di ko mawari pangalan mo't mukha
Ikaw  nga ba si Ping na aking kababata?

Tama ka Boy! Ako nga ito
Aba't abugado kana, kaylaking pagbabago!
Hindi ko inaasahan, lugar na ito'y babalikan
Noong tayo'y bata pa, paborito natin itong kainan.

Naalala ko Ping! Ako'y lagi mong nililibre dito
Pagkat dati ako'y hamak lamang na dukha nitong mundo
At ikaw ay napakayaman, lahat ay kayang bilhin
Matatas na pangarap, kayang-kaya mong abutin.

Nasasariwa ko pa, Boy, ang pag-uusap natin noong araw
Habang pinapalipad natin ang saranggola kong bughaw
Ang giit mo sa'kin, ika'y mag-aaral ng mabuti
Ako nama'y walang kibo sa iyong mga sinasabi.

Sampung taon palang tayo noon, Ping
At sigurado akong, ikaw ngayo'y nagniningning
Tiyak bigtime ka na ngayon! Ano bang natapos mo?
Ako nama'y sa trial court nagtratrabaho bilang hurado

Boy, hindi ako nakapagtapos sa kolehiyo
Nalulong ako sa droga at sa lahat ng luho
Kayamanan ng pamilya ay aking winaldas
Kaya ngayon ni di ko maibili ang sarili ng bigas.

Naging iresponsable ako, at umasa sa pera ng magulang
Ako na kanilang anak ay may maraming pagkukulang
Nag-aksaya ako ng panahon, kasama ang marijuana
Alak, babae, sugal, buong buhay ipinusta.

Mapalad ka Boy, nakita mo ang daan
Nagawang mong makaahon mula sa kahirapan
Ako naman ang nalulugmok, gayong ako dati ay mayaman
Kaya eto sa sitwasyong 'di ko pinangarap kailanman.

Ping, kaya lang naman naabot ko ito
Dahil ang pag-aaral ay aking isinasapuso
Sapagkat kami ay mahirap dati at kayo ay mayaman
Tiniis ko ang pait, lahat ay aking pinagsikapan.

Kaybilis ng panahon, kailanlang bata pa tayong nag-uusap
Akala ko'y doktor ka na, ng mawari'y naging waiter ka
'Wag mong ikahiya ang trabaho mong marangal
Kahit papaano'y 'di ka pinabayaan ng Maykapal.

Alam kong malayo ito sa talagang gusto mo
Ngunit ikaw ngayon ang bunga ng sarili mong pagloloko
Ping, 'di pa huli, magsikap muli at ika'y mangarap
Inaasahan kong abot mo na ang tala, sa susunod nating pag-uusap! 

ANG PAGTATALO NG BARIL AT TINAPAY



Isang sentimo ang pinagmulan.
Para saan kaya ilalaan ng nalilitong si Juan?
Nakikinig sa dalawang panig na nagbabangayan.
Mahigpit ang laban ng bawat pangangailangan.

Ialay mo iyan sa akin, anak !
At ika’y hinding-hindi mapapahamak
Ako ang iyong tanggol mula sa nais manakit
BARIL na sandata, hawakan mong mahigpit.

Halika anak, sa akin ay lumapit
Ika’y mabubusog hanggang sukdulang langit
Ako ang iyong lakas, ang pinagmulan ng enerhiya
TINAPAY ng iyong buhay, kainin ng walang duda.

Aba, aba! Huwag kang padadala
Pagkaing iya’y di ka makakalinga
Aanhin mo iyan kung andyan na ang kalaban?
Wala syang pakinabang, proteksyon ko ang kailangan!

Naku Juan, sinungaling iyang baril !
Kung sikmura’y kumakalam, kumain ka’t wag papigil
At bakit pa matatakot, andyan naman si Uncle Sam?
Hala, pili na ng tinapay na katakam-takam.

Ay ay anak, habang buhay bang magtatago?
Kailangang manindigan, kung hindi, ika’y maglalaho
Baril ang syang sagot sa mapangahas na daigdig
At hindi isang pagkaing kaybilis lumamig!

Dahil ba sa kalye EDSA, baril ba ang pananggalang?
Hindi ba’t tinapay, pagkain sa sundalo’y isinalang?
Ako ang tinapay, sa Diyos na inaalay
At hindi ang isang marahas na baril, na kumikitil ng buhay!

Wala kang karapatan, pagsabihan ako ng ganyan
Ang dagat sa bakuran ni anak, pinag-aagawan
Tingin mo ba ika’y makakapanalo kay Juan sa digmaan?
Kung Tsinoy ang kalaban, BARIL ang dapat hinahawakan!

Ikaw na walang ibang ginagawa kundi ang pumatol sa gulo
Paano pag nagutom si Juan, bibigyan mo ba ng dugo?
Iyong pakakatandaan, dala mo lagi’y malungkot na wakas
At tinapay ang masayang simula, ang nagbibigay lakas!

Nalilimutan mo yata’t bitbit ko ang panibagong bukas?
Kapag baril ang laging tangan, sa panganib ay makakatakas
Juan, tularan mo si Miguel at si McArthur
Mundo’y laging mapagbanta, kaya’t dapat lagi kang handa.

Isang sentimo ang pinagmulan.
Para saan kaya ilalaan ng nalilitong si Juan
Nakikinig sa dalawang panig na nagbabangayan.
Nang dumating ang AKLAT, sa ‘di inaasahan.

Ipagpaumanhin niyo’t ako’y sisingit sa usapan
Kung makapanglait kayo sa isa’t isa, para kayong walang pinag-aralan
Pareho kayong mahalaga at kailangan ni Juan
Subalit sa sitwasyon ngayon, ‘di kayo karapat-dapat pagtuunan.

Musmos pa si Juan, baka nakaligtaan mo, BARIL na mapagmataas
Nais kong ipaalala na may mga bagay na hindi kailangan ng dahas
Kung si Juan ay edukado at diplomatiko, tiyak walang gulo
Kaalaman ang kanyang kailangan mula sa tulad kong LIBRO.

Bata pa si Juan, baka nakaligtaan mo, TINAPAY na nagpapakaluho
Gusto kong ipabatid,  na abunda ka sa bawat pulo
Kung sa karunungan ng pagkatao, si Juan ay sapat
Ano pa’t ang dapat pag-laanan ay ang tulad kong AKLAT.

Maipagtatanggol nya ang sarili kahit walang baril na tangan
Iya’y kapag ikaw anak ay mapamaraan
Mabubusog niya ang sarili hindi lamang sa pisikal
Iya’y kapag ang mga aral anak, sa isip ay ikinikintal.

Kailangan mong matuto hindi sa karahasan
Kailangan mong mag-aral hindi rin sa kabusugan.
Juan, dapat mong pag-laanan ng iyong sentimo
Isang AKLAT na siyang huhubog sa iyong pagkatao.

Isang sentimo ang pinagmulan.
Para saan kaya ilalaan ng nalilitong si Juan
Nakikinig sa dalawang panig na nagbabangayan.
Nang dumating ang AKLAT, siya’y biglang naliwanagan.

Lumakad si Juan sa tuwid na daan
Papunta sa isang gusali sa harapan
Anong establisyemento kaya itong kanyang tutuluyan?
Ayun! Si Juan, PUMASOK SA PAARALAN.

Mga simbolo:
Baril: sandatahang lakas
Tinapay: konsumo sa pagkain
Juan: gobyerno, mga Pilipino
Aklat : Edukasyon
Isang sentimo: Budget, pera
Uncle Sam: Estados Unidos
Dagat sa bakuran: Spratlys Island
Kalye Edsa: ala-ala ng People Power
Miguel at McArthur: mga dayuhan
NGAYONG HUBAD NA ANG MGA SIMBOLONG ITO, MAIINTINDIHAN MO NA KAYA KUNG ANONG IBIG IPABATID SA TULA ??
Mag-isip ka.